Sapnu: Adda ipapatupad sa Central Luzon

Published on

MATATANDAAN ipinatupad ng Land Transportation Office at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Anti-Distracted Driving Act (Adda) sa buong Metro Manila.

Sa unang paglunsad ng Adda ilang mga motorista ang nahuli dahil sa paggamit ng kanilang mga cellular phone.

Sa unang paglabag nila ay nagmulta ang mga ito ng P500 at kung mamahuli pa ng pangalawang beses ay tatataas ang presyo ng kanilang multa.

At sa pangatlong mahuli ang mga ito ay kukumpiskahin ang mga driver license ng mga ito.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga miyembro ng Regional Advisory Council (na kung saan isa sa miyembro ng Ingyong Lingkod) at ng Highway Patrol Unit-Central Luzon napag-usapan ang paglulungsad ng Adda sa Central Luzon.

Yes, hindi lang sa Metro Manila ipapatupad ang Adda maging sa Central Luzon.

Makikipag-ugnayan ang Highway Patrol Unit-Central Luzon kasama ang miyembro ng RAC sa pamumunuan ng Land Transportation Office-Central Luzon.

Nitong linggo ito, makikapag-coordinate ang Highway Patrol Unit-Central Luzon kasama ang RAC member nito upang pag-usapan ang paglulunsad ng Adda sa Central Luzon.

Kaya kayong mga drayber hihinto na ninyo ang paggamit ng inyong mga cellular phone at iba pang bagay na maaaring makaistorba sa inyong pagmamaneho.

Hindi biro ang gagawing pagpapatupad ng Adda ng Highway Patrol Unit-Central Luzon at LTO-Central Luzon dahil lahat ng mga drayber makikitang gumagamit ng cellular phone habang nagmamaneho ay sisitahin ang mga ito.

Sa pagpapatupad ng Adda, maraming mga jeepney driver ang mahuhuli ng Highway Patrol Unit at LTO.

Kaya kayo mga mahilig magtex at makipag-usap sa cellular phone hihinto na ninyo dahil tiyak na mahuhuli kayo.

VoxPop Publishing Inc.
www.voxpop.com.ph