Sapnu: Ano ang magiging aksyon ni Gobernor Pineda kay Galura?

Published on

MATATANDAAN nagsagawa ng drug bust operation ang magkasanib na puwersa ng Pampanga Drug Enforcement Unit (PDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Luzon laban kay Wilfredo Galura sa Barangay Sta. Ines sa bayan ng Bacolor.

Ang buy-bust operation ay nangyari noong Abril 26 sa karinderya ni Galura na kung saan tatlo sa mga suspek kabilang sa illegal drugs ang nahuli ng PDEU at PDEA-Central Luzon.

Sang-ayon kay Chief Superintendent Aaron Aquino, Police Regional Office (PRO)-Central Luzon Director, si Galura ay empleyado ng Pampanga Provincial Government at nakatalaga ito sa Pampanga Engineer’s Office.

Sa nasabing drug bust naka-eskamo si Galura sa mga operatiba at tatlong kasamahan umano ito ang nahuli.

Sa pagtakbo umano ni Galura patungo sa kanyang bahay itinapon umano nito ang isang calibre .45 at isang sachet na shabu, sang-ayon sa arresting personnel.

Ang nasabing baril at shabu ay pinasulingan ni Galura na hindi sa kanya ang kalibre .45 at maging iyong shabu.

At dito, sinabi ni Galura sa media na ito’y ay Tanim Droga. At noong isinagawa ang drug bust operation nasa bayan siya ng Lubao.

Ito’y pinasulingan ni Aquino at maging si Director Juvenil Azurin, PDEA3 na nagkaroon Tanim Droga at pinatunyan ng mga ito sa pinakitang Video clip sa mga dumalong mga Media personalities sa isang press conference isinagawa noong nakaang Miyerkules.

Sang-ayon pa kay Azurin si Galura ay nasa HVT (high value target) ng PDEA dahil ito’y isang government employee.

Sinampahan ng kaukulang kaso si Galura ng PNP (Philippine National Police) at PDEA-Central Luzon.

Ano kaya ang magiging aksyon ni Gobernadora Lilia Pineda sa pagkakasangkot umano sa illegal drugs ni Galura? Nagtatanong lang po...

Samantalang ang PNP ni-relieved sa puwesto ang hepe ng Bacolor, tatlong PDEU personnel at walong PDEA-Central Luzon personnel.

Abangan natin po ang magiging aksyon ni Gob Pineda.

VoxPop Publishing Inc.
www.voxpop.com.ph