Sapnu: Bakit wala pa napipili si Edsa na maging hepe nito?

Published on

MAHIGIT isang buwan na ngayon si Superintendent Ronald Agoob ang nakatalaga pa rin bilang officer-in-charge (OIC) ng City of San Fernando Police.

At hanggang kasalukuyan wala pa yatang napipili si City Mayor Edwin Santiago magiging hepe nito.

Nang ma-relieved si Superintendent Jena Fajardo bilang hepe ng lungsod, limang Superintendent ang isunumite kay Mayor Santiago.

Sa limang kandidatong maging hepe ng lungsod kabilang doon si Agoob, Levihope Basilio, Manny Calma, Abel Lingat at Angelito Esteban.

Si Agoob ay chief ng Intelligence Branch ng Pampanga Police at itinalaga muna bilang OIC ng City of San Fernando.

Sina Basilio at Esteban ay naging hepe ng isang bayan sa Pampanga.

Napag-alaman sina Basilio at Agob ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class 2000 samantalang si Calma ay Class 2001.

Sina Lingat at Esteban ay kapwa lateral entry sa PNP (Philippine National Police), ayon sa IO (Intelligence Office).

Sa limang kandidato sina Calma at Lingat ang tunay na Kapampanga.

Sang-ayon sa mga nakausap ng Dateline na mga police officer, sana raw isang Kapampangan ang maupong hepe ng lungsod.

At sa tingin nila madaling makasundo ang Kapampangan, ayon pa sa kanila.

Magkakasunod na hindi Kapampangan ang nauupong hepe kaya naman dapat lamang isang Superintendent na Kapampangan ang mapili ni Mayor Edsa.

Sana raw hindi na magtatagal ang gagawin pagpili ni mayor na maging hepe nito.

Mayor kalian ba kayo makakapagdesisyon kung sino ba ang napipisil ninyong hepe? Nagtatanong lang po.

At sana raw kayo ang magdisisyon at hindi iyong iba.

VoxPop Publishing Inc.
www.voxpop.com.ph