HINDI na yata magagawang paraan ng Philippine National Police (PNP) ang lumalalang Basag/Bukas kotse insidente sa Pampanga.
Nitong buwan ng Pebrero, kababayan natin ang nabiktima ng mga nasabing grupo.
Sang-ayon sa report nakuha ng Dateline, isang kotse ang nabuksan ng mga miyembro ng Bukas Kotse gang ang kanilang binanatan sa Barangay Dolores.
Ipinarada ng biktima ang kanyang kotse sa harapan ng Dolores Elementary School at nang pagbalik nito nawala na ang kanyang mga mahahalagang kagamitan.
Sa report nito sa PNP, nabuksan ng mga kawatan ang kanyang sasakyan.
At noong Pebrero 9, isang negosyante ang naging biktima ng Basag Kotse gang.
Ipinarada ng biktima ang kanyang Toyota Fortuner sa harapan ng Sto. Tomas Waterworks sa Barangay San Matias, Sto. Tomas, Pampanga dakong 9:00 p.m.
Nang balikan nito ang kanyang behikulo, laking gulat nito ang kaliwang bintina basag na.
Natangay ng mga suspek ang isang bag nito naglalaman ng P130,000 at kanyang baril na Glock 19.
Kamakailan naman isang Basag Kotse insidente ang naiulat sa harapan ng Calcutta Medical Hospital.
Sang-ayon kay Lt. Col. Paul Gamido, chief of police ng City of San Fernando, wala naman daw natangay ang mga suspek.
Matatandaan noong nakaraang taon, ilang insidente ng Basag Kotse ang naiulat sa Pampanga at sa ibang karatig na lugar nguni't hanggang ngayon wala pa rin nahuhuling miyembro nito. Bakit kaya? Nagtatanong lang po?
Sila ba ay masyadong madulas at magaling kaya hindi mahulihuli ng mga otoridad? Nagtatanong lang po.