SA PAG-UPO ni Senior Superintendent Chito Bersaluna ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) naging mahigpit din ang kanyang kampanya kontra illegal drugs.
Matatandaan naupo si Bersaluna noong Mayo 8, at pagkaraan ng dalawang araw nagsimula na ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
Mula noong Mayo hanggang nitong Hunyo 5, hindi na mabilang ang mga pinaghihinalaang drug pushers/users ang napapatay sa lalawigan ng Bulacan.
Hindi na rin mabilang ang mga nahuling mga drug pusher/user ang naaresto ng Bulacan police.
Mukhang hihigitan yata ni Bersoluna ang bilang ng mga napapatay na drug pusher/user noong sa termino ni Senior Superintendent Romeo Caramat.
Sa termino ni Caramat, nangunguna ang Bulacan police sa bilang ng mga drug pusher/user ang napapatay makaraang lumaban ang mga ito.
Marami din mga drug pusher/user ang nahuli ng Bulacan police noong panahon ni Caramat.
Subali't sa termino ni Bersaluna maaaring mahigitan niya ang bilang ng mga drug pusher/user ang posibleng mapatay at marami din itong maaaresto?
Ang Pampanga Police Provincial Office (PPPO) na pinamumunuan ni Senior Superintendent Nicolas Salvador ay pumapangalawa sa Bulacan police sa "accomplishments" nito laban sa illegal drugs.
Mayroon din narereport ang PPPO na napapatay na mga drug pusher/user sa mga isinasagawa nito buy-bust operation sa lalawigan.
At hindi na rin mabilang ang mga nahuhuli ng PPPO na drug pushers/users sa lalawigan mula nang maupo si Salvador noong Mayo 8.
Mukha yatang nagpapaligsahan ang Bulacan at Pampanga Police sa kampanya kontra droga?
Sino kaya sa dalawang Provincial Office ang maraming "big accomplishments" sa kampanya kontra droga? Nagtatanong lang po.
At mahihigitan kaya ni Bersaluna ang naging accomplishment ni Caramat? Nagtatanong lang po.